[Cupid’s Outlaw] Chapter 4: Solitaires

0
0

3rd July 2024 | 8 Views | 0 Likes

Info: This Creation is monetized via ads and affiliate links. We may earn from promoting certain products in our Creations, or when you engage with various Ad Units.

How was this Creation created: We are a completely AI-free platform, all Creations are checked to make sure content is original, human-written, and plagiarism free.

Toggle

CHAPTER 4: SOLITAIRES

Kung meron mang sisira ng masaya kong linggo, hindi ‘yon ang panenermon sa akin ng mga magulang ko. Mula kagabi hanggang ngayong kumakain kami ng agahan ay pinapagalitan nila ako sa kasalanan ko.

I couldn’t blame them, though. Sino bang matinong babae ang uuwi ng 2:00 AM? Naalala ko na naman tuloy ang mga nangyari kagabi at hindi ko na naman maiwasan ang pagngiti kahit pa nasa harapan ko sila dad.

“Annika, we want you to understand na hindi maganda ang ginawa mo,” ulit ni mom.

Tumango na lamang ako. “I get it mom, I made a mistake.” A beautiful mistake and I’m not sorry.

“Sana man lang nagtext ka sa amin para hindi kami nag-aalala. Hindi mo alam kung anong disgrasya ang pwedeng mangyari sa kalsada! Naabala pa tuloy namin ang ninong mo!” Dad scolded.

Kung tinext ko naman sila ay hindi nila ako papayagan kahit pa sabihin kong kela Spencer lang ako tatambay. And yes, naabala ko nga ang ninong kong pulis dahil pinahanap pa ako kagabi. Nakakahiya pero natatabunan naman ang kahihiyang iyon ng kasiyahan dahil kay Spade.

Hinayaan ko na lamang na magsalita ang parents ko. Nangyari naman na at wala na silang magagawa pa.

“Babawasan ko ang allowance mo at ipasusundo ka na namin sa driver para diretso ka sa bahay after your class. You can’t leave this house for two weeks unless if it’s for school. Am I clear, Annika?”

Natigilan ako sa pagnguya sa tinuran ni dad. Say what? Ugh, fine. If ito ang consequence ng pakikipagkita kay Spade, then I was completely fine with it. Baka nga ulitin ko lang ito after two weeks. I’m telling you, if two weeks without lakwatsa were what it would cost for a night with Spade, I would gladly and willingly pay for it.

Matapos kumain ay nakangiti pa rin akong umakyat sa kwarto. Kapag si Spade ang bumuo ng linggo ko, walang ibang makakasira nito kung hindi siya lang din. Saktong pagkadapa ko sa kama ko ay tumunog ang phone ko.

Advertisement

Lalong lumawak ako ngiti ko. He’s video calling!

“Happy Saturday, babe!” he greeted.

“It’s indeed a happy one, I had sermons for breakfast,” I giggled at the irony.

Natawa rin siya. “Anong sabi nila?”

Tinignan ko siya sa screen. Nakahiga pa siya sa kama at magulo ang buhok. Lalo lang yata siyang gumwapo. “I’m grounded for two weeks,” I said, smiling.

“And you’re still happy about it? You’re crazy,” umiiling at natatawa nitong kumento.

“Of course! You’re worth all the trouble, asshole.” Umikot ako para makahiga ng maayos. Nakita ko ang paglaki ng ngisi niya.

“What a bad mouth you have there, missy.”

“Oh, what would you do with this bad mouth, mister?” I countered and laughed.

He faked a cough and started talking in a weird deep voice. “Jillia’s tempting lips are found guilty beyond reasonable doubt of being such an irresistible tease and a bad mouth under Article 123, paragraphs 6 and 9 of the Revised Penal Code. The court hereby imposes upon the accused the penalty of lifetime imprisonment in Spade De Vera’s house and is ordered to indemnify the complainant the sum of one hundred thousand kisses, half torrid and half fren—”

“Spade!” I screamed in disbelief and embarrassment. Pareho kaming sumabog katatawa. Baliw na talaga siya! I almost forgot that they’re a family of lawyers kaya medyo may alam siya about it. Siya lang yata ang nag-iba ng career sa kanilang pamilya, but that wouldn’t make him any less of the noble person he was right now.

Hindi napawi ang bakas ng ngiti sa kanyang mukha. “I miss you already,” biglang sabi nito. Halos matunaw naman ang puso ko sa biglaang page-express niya.

Ilang oras pa kaming nag-usap. Hindi ko na nga inalala ang mga school works na kailangan kong tapusin. Hindi na rin muna ako bumaba para kumain. As much as possible, ayaw kong mahinto ang moment namin ni Spade. Binaba ko lang ito nang kailangan niya nang maghanda para sa gig niya mamayang gabi.

Pagkababa ko ng tawag ay saka ko lang inisip ang mga dapat kong gawin. Wala naman gaano. Iyong research chapters lang ang medyo takaw oras pero matagal pa naman yata ipapasa iyon kaya hindi ko muna ginawa.

In-open ko na lang ang facebook ko. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang ang dami kong notifications. Hindi naman ako nag-upload ng picture at lalong hindi ko naman birthday. I clicked the button to see what’s happening.

Advertisement

👍 Teejay Feliciano and 878 friends reacted a video you were tagged in.
💬 Spencer Gil, Clark Fuentes, and 39 other people mentioned you in a comment.
👍 Cassiopeia Fuentes and 118 friends reacted to a video you were tagged in.
👥 Adam Narvasa tagged you in a video.

Napaupo ako bigla mula sa pagkakahiga sa nabasa ko. Video? What video? As far as I was concerned, wala naman akong NSFW video! Shocks, anong scandal ‘to?!

Kinakabahan kong pinindot ang link. Binasa ko kaagad ang caption nang lumabas ito.

Adam Narvasa
17h • 🌏︎
Hi Jillia Fuentes 😉

Hindi na ako mapakali at pinlay na ang video. Medyo matagal itong nag-loading bago nag-play. Nagsimula ito sa pares ng rubber shoes.

“Kupad naman nito. Dali!” Sabi ng isang boses sa video na sa tingin ko’y si Teejay.

“Tae, atat na atat ka lang?” Sabi naman ng may hawak ng phone, si Adam.

Mag-ingay ba naman sila araw-araw sa classroom, malamang ay pamilyar na sa akin ang mga boses nila.

Gumalaw ang medyo malikot na camera hanggang sa gym na ang view nito. And there I was… dancing and feeling the music! Darn, pakiramdam ko’y nag-init ang buong mukha ko. Why did he upload this? Nakakahiya!

“Woooh, go classmate!” rinig kong sigaw ni Adam.

‘Love Me Like You Do’ ang kanta at kitang kita kung paano gumalaw ang katawan ko kasabay ng melody ng tugtog. Mukhang damang dama ko ito at para akong may kinekwento sa aking paggalaw. I bit my lip. Hindi ko maalalang ito pala ang kinalabasan non! Bakit ko ba kasi hinayaan ang sarili kong magpadala sa tugtog?

Nakarinig ako ng pagmura at paghalakhak sa video. “Tignan mo si Reider!” Natatawa-tawa pang sabi nito.

Advertisement

Nakuha noon ang attention ko. Hinanap ko si Schreider sa video and there, titig na titig siya sa akin na para bang kaluluwa ko ang pinapanood niya. Nailang tuloy ako bigla kahit matagal na namang tapos ang pagsayaw kong ito.

Nagpalakpakan at nagsigawan ang mga nanonood nang natapos ang sayaw.

“Ang chix mo!”

“Crush ka raw ni Adam!”

Lumikot ulit ang camera. Halakhakan at murahan na naman ang aking narinig hanggang sa natapos na ang video. Kumurap-kurap ako at huminga nang malalim.

Nakita kong mahigit 8,000 na ang views nito at mag-iisang libo na ang likes nito. Friends ko ang iba pero ang karamihan ay hindi ko kilala pero mukhang schoolmates ko rin naman. My cousins even liked it! This was so embarrassing! Gusto kong batukan si Adam sa Monday!

Binasa ko ang ilan sa mga comments.

Hannah Yao
galing 👏🏻🙌🏻

Spencer Gil
ay pasok na to >:) Jillia Fuentes

Cassiopeia Fuentes
Omg! You dance?!

Mark Domingo
Taga-CA to? Section? 😍

Clark Fuentes
Aw dancer na pala hahahaha Jillia Fuentes

Marcus Mendoza
oi huntingin na to HAHA Gabriel Fabian Timothy Toledo Kyle Santos Paul Geronimo

  • Gabriel Fabian
    Idol ❤️
  • Timothy Toledo
    Babe uwi ka na di na ko galit 😂😍
  • Kyle Santos
    kilala niyo na pala baby ko? 
  • Paul Geronimo
    eto ka ./. Kyle Santos
  • Kyle Santos
    HAHAHAHA

Mikaella Castro
ganda niyaaaa 😍

Eunice Dela Rosa
STEM strand nya diba? lagi ko syang nakikita 🙂 pretty girl 😌

Sino ba ‘tong mga ‘to? Hindi ko na lamang tinapos ang pagbabasa dahil parang hindi nauubos. Nagscroll na lamang ako ulit at hindi na pinansin ang video. Napansin ko nga rin na lagpas isang daan na ang naga-add sa akin at alam kong dahil ‘to sa videong ‘yon. Ang sarap talagang tadyakan ni Adam!

Napahinto ako sa pagsscroll dahil sa isang photo. It’s uploaded by a Facebook page called ‘The Solitaires,’ ang banda nina Spade.

Stolen ang kuha habang nasa stage sila at tumutugtog. Hawak ni Spade ang gitara habang nakapikit at kumakanta. Nasa tabi niya naman si Heart na vocalist din ng kanilang banda. Nasa likod si Ace, a chinito guy who’s in charge of the drums. Nasa magkabilang gilid naman sina Diamond and Clover, rhythm guitarist and bass guitarist respectively. Yes, ganoon talaga ang pangalan nila kaya ganoon din ang pinangalan nila sa kanilang banda.

It’s cute though. The uniqueness of their names was one of the main reasons why they’re known. Naaastigan kasi ang karamihan kapag nalalaman nila ang pangalan ng bandang ‘to and the reason behind it. Ni-like ko na lamang ang picture na ‘yon at nag-scroll na muli.

Umaga ng Lunes at naghahanda na akong pumasok. Katatapos ko lang suotin ang uniform at ang heels ko nang bigla namang tumawag si Spade. My lips automatically smiled. What a good way to start the week…

“Hi,” sagot ko sa phone habang inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin.

“Hey…” medyo paos niyang sagot. Nasa kama pa rin siguro ito. Baliw talaga. Wala talaga siyang pakialam kahit late na siya sa klase.

“Hmm?” sabi ko nang walang nagsalita. He didn’t call for nothing, did he?

Advertisement

“I saw the video…”

Natigilan ako. The video? Did he mean… iyong pagsayaw ko? “Oh… oo nga. Audition ‘yon. Hindi ko alam na vinideoha—”

“Gusto kong manapak, Jill,” he said in his low voice. Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Naririnig ko nga ang mabigat niyang paghinga.

Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako. “Gusto ko silang replyan. Gusto kong sabihin na akin ka. Na sa akin ka lang,” seryoso at tila medyo nahihirapan niyang sabi.

Bumilis ang pagkabog ng puso ko sa sinabi niya. Just the idea of him doing that drove me crazy.

Do it, then, I wanted to tell him. Do it, Spade, my heart screamed.

Siya lang naman ang hinihintay kong gumawa non. Hindi niya alam kung ilang beses kong ginusto na ipagsigawan niyang kanya ako at sa akin siya. Naiinis ako. Naiiyak ako. Nanghihina ako kasi gustong gusto ko siyang sigawan ngayon. Gusto kong sabihin na, Ano pang hinihintay mo? Gawin mo! Sabihin mo sa kanilang lahat na hindi na ako pwede. Hindi na ako pwede kasi sa iyo ako!

Kaso hindi ko magawa. Hindi ko masabi kasi alam ko sa sarili ko na kahit sino pa ang magcomment sa video na ‘yon, hindi niya ipagsisigawan ang gusto kong isigaw niya. Kahit selos na selos pa siya, alam kong malayong sabihin niyang pag-aari niya ako. Asa pa ako.

“I-iyon lang ba?” Medyo nanginginig kong tanong. “Sige, ipapa-delete ko na lang,” huminga ako ng malalim at sinubukang ituloy ang nais kong sabihin. “Uhh, kailangan ko nang pumasok. I’ll call you later… bye…”

Humigpit ang hawak ko sa aking phone at dahan-dahan ko ‘tong binaba mula sa aking tainga.

Ako na lang. Ako na lang ulit ang gagawa ng paraan para hindi siya magselos. I bit my lip and looked at my screen again. Spade… Bakit ba mahal na mahal kita?

“Hoy! Bakit parang pasan mo na naman ang buong solar system?” tanong ni Spencer at sinabayan ako sa paglalakad papunta sa classroom. “Palagi na lang ganyan. Nasasanay na ako sa ganyang itsura mo!”

Ngumuso ako. “Then get used to it. Ito na yata ang normal sa akin.”

Napatingin siya sa akin. “Aba. Anong ganap ba at nagdadrama ka?”

“Wala. Mali lang ng gising,” sabi ko at ngumiwi. Nagtaka ako nang bigla siyang tumawa.

“My gosh, Jillia Annika! Wala ka na bang ibang excuse? Parang 20 times mo nang isinagot sa akin ‘yan eh!”

I rolled my eyes. “Eh sa palaging mali ang gising ko.”

Nginitian niya ako ng pang-asar. “Why? Paano ba nagiging tama ang gising? Bubungad na lang ba ‘yon sa kwarto mo like Congratulations, tama ang ‘yong gising! o magiging tama lang ‘yon kapag tamang tao rin ang katabi?” mahabang litanya nito.

Ang dami niya talagang alam. “Ewan ko sa’yo. Shut up ka na nga lang,” pagtataray ko rito na mas lalo niyang ikinatawa.

Dahil hindi naman kami magkaklase ay nauna akong pumasok sa room. Pagkaupong pagkaupo ko’y sinubsob ko kaagad ang ulo ko sa desk. I knew it. Si Spade lang talaga ang makakasira ng araw ko. Nakakamangha kung paano kayang buuin at sirain ng isang salita niya ang araw ko.

Dumating na ang research professor namin. Lubos ang aking pagtataka nang maya-maya ay may inaayos na mga papel ang katabi ko. Ano ‘yan? May assignment ba?

Palihim kong sinilip ang inaayos niya.

CHAPTER 3: REVIEW OF RELATED LITERATURE

This chapter undertakes an in-depth investigation into the presence and ramifications of Escherichia coli (E. coli) within the domain of public transportation systems. Departing from traditional research paradigms, this exploration delves into the specific context of E. coli dynamics within transit environments, weaving together microbiological inquiry with a focus on communal health considerations.

Public transportation networks, as dynamic hubs of human activity, represent…

Kinabahan ako nang unti-unti kong nabasa kung ano ‘yon. Research chapters! Omg! Ngayon na ba ‘yan?! Mahina akong napamura. “Wala pa akong gawa!” Nasabi ko na lang bigla kaya napatingin sa akin si Schreider pero hindi siya umimik. Sinundan ko siya ng tingin nang walang pasabi siyang tumayo at nagpasa ng paper niya.

I was doomed na talaga. Ang laking percentage pa naman non sa grade! Anong gagawin ko? Wala pa nga akong nasisimulan ni isang tuldok!

“It’s fine,” he said coldly. Natataranta akong tumingin sa kanya. Nawawala ako sa sarili. Hindi ko nga napansin na nakabalik na siya sa upuan niya.

“Anong it’s fine?” Hindi ko na alam ang gagawin! “Babagsak ako! Wala pa akong nagagawa at siguradong matatagalan pa ako. Malaking bawas ‘yon sa—”

He sighed and looked at me. “Idiot,” sabi nito at pinitik ang noo ko. What the?

Advertisement

“I passed early,” walang tonong saad nito.

Natigilan ako at unti-unting humupa ang kaba ko. “Huh?”

“Hindi pa deadline.”

“‘Di nga? Legit?”

“Tss. Notebook?”

“Ano?” Naguguluhan na ako.

“Hand me your notebook.”

Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko na lamang siya. Binuklat-buklat niya ito at hinarap sa mukha ko. Wow, in my face talaga! Ano akala niya sa’kin, bulag?

Medyo nilayo ko ang notebook sa mukha ko at binasa ang pinapakita niya.

Deadline: FRIDAY!!!!! :DDDD

Napahawak ako sa dibdib ko. “Thank God! Sobrang kinabahan ako! Ba’t naman kasi ang aga mo magpasa! Nakakatakot!”

Napailing-iling na lang ‘to. Naloka yata sa stupidity ko. Tinawag pa talaga akong idiot! But wait… sinulat ko pala ‘yon? At bakit alam niya? Tss. Nevermind. At least hindi ngayon ang pasahan at safe ang grades ko!

8:00 na ng gabi at nandito ako sa kwarto, sinisimulan ang research chapters ko. Matagal pa ang Friday pero napagpasyahan kong gawin na rin. Sobrang kinabahan at natakot ako kanina ‘no! Hindi ko pinapangarap makakuha ng bagsak na grade. At saka isa pa, nakakahiya naman sa seatmate kong nagpapaka-early bird.

Nag-inat-inat ako dahil sumasakit na ang likod ko. Dalawang oras ko na ring ginagawa ‘to. Okay, Jill, break muna. Magpapahinga muna ako ng 10 minutes.

Kinuha ko ang phone ko sa kama at pinaglaruan sa kamay ko. Naalala ko si Spade. Ugh, fine. Isa rin sa dahilan kung bakit pinili kong simulan na ang school works ko ay para maiba naman ang iniisip ko dahil puro siya na lang. Ngayon ngang tumigil lang ako sandali ay pangalan na naman niya ang nasa utak ko. “Ano ba, Jill!” Masyado na akong adik!

Tinignan ko ulit ang screen ko. Sige na nga. I told him na tatawagan ko siya at ayoko namang maghintay siya. Ayoko lang na pag-usapan ‘yon kanina dahil alam kong wala naman ding mangyayari. Alam ko namang iyon at iyon pa rin ang magiging issue next week, next month, o next year. Palagi namang ganoon, hindi pa ba ako masasanay?

I sighed as I called his number. Nakalimang ring pa bago niya ito sagutin. Kaso mali pala ako. Hindi naman kasi siya ang sumagot.

Advertisement

“Hello?” Boses ito ng babae. “Jillia, right? Hello?”

Nanginig ang mga labi ko at pinanghinaan ng loob. Ilang lakas ng loob ang hinugot ko para lamang makapagsalita ako nang maayos.

“W-who’s this?” mahina kong tanong. Para bang takot na takot akong marinig ang isasagot niya, but who am I kidding? Natatakot naman talaga ako.

“Heart Freo speaking. Spade’s girlfriend. Who are you ba?”

Heart Freo. Of course, magkasama sila. They were band mates. Pero… Girlfriend. Hindi na ako nakapagsalita. Hindi nga rin ako sigurado kung kaya ko pa bang makapagsalita pagkatapos ng narinig ko. Narinig ko na lamang ang paulit-ulit na pag-hello ni Heart sa kabilang linya.

“Whatever, probably just a fan,” maarteng sabi nito bago ibaba ang tawag.

I bit my lips to prevent myself from crying. Sa sobrang pagkagat ko rito ay parang ito ang napaparusahan sa sobrang sakit din ng nararamdaman ko.

I was so mad and I badly wanted to scream. Gustong gusto kong sagutin ang babaeng ‘yon. Gusto ko siyang sigawan at sabihing bitawan ang phone ni Spade dahil wala siyang karapatan doon kaso… kaso kasi… ano bang palag ko? Ano bang laban ko kung ako mismo hindi alam kung sino ako sa buhay ni Spade? Ano bang laban ko kung ako mismo… wala ring karapatan?

Pinunasan ko ang luhang tumakas sa mga mata ko.

Sino nga ba ako, ‘di ba?



learn more…

about the copyright

Copyright © 2023 by @asirae

All rights reserved. This original work is a product of the author’s imagination. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental and not intended. No part of this work may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the author’s prior permission.

 

about the book

In the world of ‘Cupid’s Outlaw,’ defying conventional rules in matters of the heart brands one an outlaw. Jillia Fuentes finds herself entangled in a secret relationship with Spade de Vera, a famous band vocalist, while silently yearning for the seemingly picture-perfect romance exemplified by her schoolmates, Reider Felix and Aeiana Sanchez.

However, fate intervenes when Reider unexpectedly becomes Jillia’s seatmate. As circumstances draw them together, a surprising and forbidden love blossoms between them, throwing them into a whirlwind of emotions, desires, and moral dilemmas. Join Jillia as she navigates the complexities of love amidst uncertainty and challenges, ultimately risking the status quo as Cupid’s Outlaw. 

This novel is updated weekly, every Saturday at 19:00 or 7:00 PM PHT, both on Milyin and Wattpad by the same author, @asirae. Catch the latest chapters a week in advance on Milyin before they arrive on Wattpad!

 

about the author

@asirae is a zealous daydreamer whose wild imagination serves as the cornerstone of her storytelling. Inspired by the worlds that unfold in both daydreams and night dreams, she translates these ethereal visions into captivating narratives.

Driven by the desire to bring these fantastical worlds to life, @asirae crafts tales that resonate with authenticity, blurring the lines between reality and the surreal. When not lost in the world of storytelling, she enjoys designing landscapes, watching anime, and reading dystopian YA novels.

Follow @asirae on Twitter and Instagram to stay updated on her latest projects and writings.

 

 

Advertisement

 

asirae ven

@asirae

Following-1
Followers0
Message


You may also like